Latest News

‘SATELLITE TECHNOLOGY’ PARA SA MGA RURAL BANKS, ISINULONG NG BSP

HINIKAYAT ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang mga bangko at iba pang institusyong pinansyal sa mga ‘rural areas’ na mamuhunan sa ‘satellite technology’ upang mabilis na makabalik sa operasyon matapos ang pagtama ng kalamidad.

Partikular na tinukoy ni Diokno ang pagkakabit ng ‘very small aperture terminals (VSATs) sa kanilang mga gusali na makakatulong sa agarang pagbangon mula sa kalamidad at makapagserbisyo sa kanilang mga kustomer na nangangailangan ng agarang pinansyal.

May inilabas na ang pamahalaan na Executive Order No. 127 noong Marso 2021 na nagsasaad sa pagpapalawig sa ‘internet connectivity via satellite services’ na magpapataas sa koneksyon ng internet sa mga komunidad maging sa mga liblibo na lugar.

Naglabas na rin ang Department of Information and Commnunications (DICT) ng ‘implementing rules and regulations (IRR)’ na nag-aatas sa mga bangko, financial companies at iba pa na gumamit ng ‘satellite technology’ sa kanilang mga operasyon.

Inihalimbawa ni Diokno ang Cantilan Bank (CANBNK) sa Midanao na nagkabit ng VSAT na dahilan para agad silang makabalik sa koneksyon sa internet at operasyon kabilang ang ATM service sa Siargao City makaraang tumama ang bagyong Odette noong nakaraang Enero. (Anthony Quindoy)

Tags:

You May Also Like

Most Read