NAGING maingay ang social media dahil sa cryptic post ng dating biyenan ng aktres na si Sarah Labahti na si Annabelle Rama.
Say ng post ng nanay ni Richard Gutierrez na ex-husband ni Sarah: “Hoy!! ‘Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo. Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni
Annabelle Doll si Chucky. Alam n’yo na kung sino ‘yun HAHAHA happy kana!?”
Nahulaan naman ng netizens kung sino ang tinutukoy ni Annabelle sa kanyang post.
Ang talent manager si “Anabelle Doll”, si Barbie Imperial si “Barbie doll” at ang ex-wife ng anak niyang si Richard na si Sarah ang “Chucky doll”.
Nali-link kasi ngayon si Barbie at Richard dahil sa naglabasang photos na magkasama ang dalawa sa South Korea.
Kamakailan din nakita naman ang dalawa sa isang bar sa Alabang.
Pero dedma naman si Sarah kung totoo man na may namamagitan na sa kanyang ex-husband at Barbie.
Sagot ni Sarah matapos ang press conference sa kanyang TV5 series na “Lumuhod Ka Sa Lupa” sa kanyang reeaction sa South Korean vacation nina Richard and Barbie:
“No reaction at all.”
Hindi rin pinalampas ni Sarah ang cryptic post ng biyenan.
Sa isang TikTok video, tinanong ni Sarah kaibigang si Kyline Alcantara ng: “Are you competing with me?”
Na sinagot ni Kyline ng: “Are you threatened?”
Obserbasyon tuloy ng netizens, “subtle and classy” ang resback ni Sarah kay Anabelle na kabaligtaran ng mga
komento sa post ng nanay ni RIchard.
Umani kasi ng negang komento mula sa netizens ang post ni Annabelle at isa na rito ang na matanda na raw si Anabelle pero parang walang pinagkatandaan.
Komento pa ng ilan, baka daw nakakalimutan ni Anabelle na nanay si Sarah ng kanyang mga apo,
Respeto naman daw sa mga apo niya.