Latest News

VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, ITINALAGANG NTF-ELCAC CO VICE CHAIRMAN

By: Victor Baldemor Ruiz

PINAGPASYAHANG italaga ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC Executive Committee si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang co-vice chair ng nasabing task force.

Inihayag ito sa ginanap na pulong balitaan ni NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Adviser Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año, mapapalakas pa ang mandato ng NTF-ELCAC na isulong ang kapayapaan at pag-unlad sa mga barangay na patuloy na inokupa ng mga rebeldeng grupo sa ilalim ng bago at pinalakas na task force lalo pa’t kasama na si VP Duterte na aniya’y expert sa pagpapaunlad ng lokalidad bilang dating mayor ng Davao City.


Dito inihayag din ni Año, isa sa mahalagang agenda sa isinagawa nilang pulong ay ang paglilipat ng papel ng NTF-ELCAC sa bagong mandato. Aniya, kung dati ang task force ay tinatawag na warriors for peace, ngayon ay magiging bringers of peace na sila.

Unang napabalita na bubuwagin na ang NTF-ELCAC na agad namang pinabulaanan ng nasabing task force.

Inihayag ni Año , “President Ferdinand R. Marcos Jr. has ordered the recalibration of the government’s National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) even as Vice President Sara Duterte has been designated as co-vice chairperson of said agency

Isusulong ngayon ng NTF-ELCAC ang pagdadala ng mga makabuluhang programa at proyektong pakikinabangan ng komunidad para hindi na sila mahikayat na maging miyembro ng makakaliwang grupo.


Tags: Vice President at Education Secretary Sara Duterte

You May Also Like

Most Read