Latest News

SARAH GUSTO MAKA-COLLAB SI JUNGKOOK NG BTS

Fan din pala si Sarah Geronimo ni Jungkook ng  BTS.
Sa tanong sa Pop Royalty sa Livestream ng collaboration nila ni Billy Crawford na “My Mind” kung “any K-pop group u wish to meet and maybe u’d like to collab with?
Sagot ng singer-actress: “I love JUNGKOOK. I think he is an amazing artist. Ang galing niya sobra.”
Hindi lang pala si Sarah G. ang may gusto sa K-pop artist kundi ang Broadway singer na si Lea Salonga.
komento si Lea sa sagot ni Sarah: “Grabe siyaaaaaa! Strong agree!!!”
“Yes girl! ganyan, para international ang atake!”
Eme naman ang komento ng isang netizen.
“Kung papayag ang management ni Jung-tagapagluto !”
“Long list. palista mo na name mo Sarah G.”
“No need magpalista baks. Di naman mawawalan ng career si Sarah kahit din niya yan maka collab. Kalma ka lang” (Oo nga naman)
“Pwede yan at may posibilidad na. Lalo na’t aawardan si SG sa BILLBOARD ngayong March 8”
“Collab ka pa eh hindi ka na nga mahagilap dito sa Pinas kakapahinga ng ilang taon na. Eto pa si Lea nakiki bandwagon.”
“Matagal ng BTS fan si Lea. Sila dalawa ni Kris Aquino, kahit Vlive ng BTS dati pinapanood.”
“I think Sarah doesn’t need na magpaka-international. Bakit pa siya magpapaka hirap at pagod kung dominated naman niya na ang concert scene sa Pinas.”
“That’s the point, na dominate na nya, it’s time to fly higher, since she’s making history sa Bill awards maganda opportunity yan to talk some international people for work”
“Yung award ni sarah sa Billboard is a big deal, it’s a good start, mag open sana marami opportunity sa kanya internationally”
“Ifi feature kasi Yan sa billboard award nya! Get to know more clip’
“I think she”s old for Jung Cook. Mga Gen Z fans nya Sara baka ma bash ka lang girl.”
Samantala, In-acknowledge naman ni Sarah ang kanyang Mommy Divine sa isang panayam sa kanya matapos siyang itanghal bilang Global Force Honoree ng BBC Women in Music kamakailan.
Ani Sarah sa parangal: “It means having that power to influence people, and it also comes a big responsinility.”
Kaya comment ng fans ng singer: “Lakas maka Miss Universe ng interview.”
“Eto yung sobrang nakakahanga sa babaeng ito. CONSISTENCY. Regardless sa gusot with mommy d, nagpakumbaba at never sumuko sa pagsuyo sa magulang.”
“Kinilabutan ako when she mentioned her mom. Bait ni Sarah talaga. They will be okay.”
“True. Her mum will regret a lot of things for sure.”
Tags:

You May Also Like

Most Read