MARAMI ngayon ang nagtatanong kung may tampuhan ba si Sarah Geronimo at Teacher Georcelle ng G-Force.
Wala raw kasi ang signature dance step ng singer nung kantahin niya ang Tala sa FIBA Basketball 2023 World Cup Draw kung saan siya nag-guest kamakailan na ginanap sa Araneta Coliseum.
Guest din sa naturang event si Billy Crawford.
World-class umano ang performance ng dalawa na kahit foreigners ay manghang-mangha sa kanilang production number.
Kaya lang, may nakapansing netizen na ibang-iba raw ang version ng Tala na kinanta ni Sarah pati ang choreography nito.
If totoong may tampuhan daw ang mag-close friend, paano na raw ang concert ni Sarah sa May 12?
Sold-out pa naman daw tiket para sa kanyang 20th anniversary concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Sino na raw kaya ang magiging choreography ng singer.
Well, malalaman ang lahat ng ito pagdating ng concert ni Sarah G sa May 12.














