SAPATOS NINA PACQUIAO AT SENATOR IMEE, BINIDA NI BOSS TOYO

By: Beth Gelena

Nakatsikahan namin ang content creator at may-ari ng Pinoy Pawnstars na si Boss Toyo sa kanyang mismong shop.

Aside sa pagiging vlogger/influencer ay kilala ring collector ng old, celebrity items si Boss Toyo.


Sa dami na ng mga gamit mula sa iba’t ibang artista ay masikip na ang lugar.

Kaya konting kembot lang at may nasagi tiyak magbabagsakan.

Naka-display ang T-shirt ni Francis M kung saan binenta ng asawa niyang si Pia Magalona para umano makatulong sa isang miyembro ng Parokya Ni Edgar na may matinding karamdaman. Napansin din namin ang isa pang T-shirt ng rapper na galing naman umano sa “other woman” ni Francis M kaya lumabas na “cheater” ang rapper. May dedication pa ng girl ang nasabing T-shirt. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Boss Toyo sa isyu, respeto na rin daw sa namayapang rapper.


Nasa kanya rin daw ang personalized shoes ni Manny Pacquiao na siya raw pinakamahal kung kanyang ibebenta same as sa shoes ni Senator Imee Marcos.

Maging ang unang tseke na kinita ng People’s Champ worth P150K sa una niyang pagboboksing ay naka-laminate at nakadisplay din, likewise sa unang bayad ng Regal Films kay Jiro Manio. Naka-display na rin ang prestihiyosong trophy niya at ang sa Wonder Boy na si Nino Muhlach. Magkatabi naman ang items mula sa Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos. Marami pang collection items mula sa celebrities ang makikita sa Pinoystore ng content creator kaya naman may pinapagawang museum si Boss Toyo na aniya ay malapit nang matapos.


Natanong din namin ang personal life ng influencer. Aniya, kapapanganak lang ng kanyang partner thru IVF (in vitro fertilization). May legal wife siya, pero hiwalay na at anak din daw sila.

“Nasa annulment process na rin kami. One year pa lang gusto ko rin kasing maging legal na ang pagsasama namin ng partner ko,” say ni Boss Toyo.


Tags: Boss Toyo

You May Also Like