Latest News

SAPAT NA SUPPLY NG BIGAS, TINIYAK NI PBBM

By: Carl Angelo

Nagpahayag ng paniniyak si Pangulong Ferdinand R. Marcos ,Jr., sa publiko na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa at ginagawa ng kaniyang administrasyon ang lahat upang makontrol ang presyo ng bigas sa merkado.

Sa isang video interview, ipinagmalaki rin ng Pangulo na gumaganda ang kasalukuyang rice supply situation sa bansa at sinisiguro nito na hindi na magkakaroon ng rice shortage sa mga susunod na buwan.

“Mukha namang maganda ang sitwasyon natin. Hindi tayo magkukulang sa bigas. At tinitingnan natin lahat ng paraan upang ang presyo ay ma-control natin at hindi naman masyadong tataas,” saad ng Pangulo matapos ang isinagawang pulong kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa Palasyo.


“Magpa-plano kami kung kailangan mag-import, kung kailangan magpahaba, magparami ng buffer stock sa NFA dahil masyado ng mababa. ‘Yun lang ang nakita naming problema, mababa ‘yung buffer stock ng NFA. Kailangan bumili ‘yung NFA para umabot siya ng at least nine days na buffer stock,” diin ng Punong Ehekutibo.

Gayunman, ipinunto ni Pangulong Marcos na kailangang bumili ang NFA ng buffer stock nito mula sa local producer upang hindi tumaas ang presyo ng bigas at masigurado ang sapat na suplay ng palay.


“Ang problema, kapag sila ay pumasok sa merkado, pag sila’y namili na para i-replace ‘yung buffer stock na kulang nila ay tataas naman ang presyo ng bigas dahil marami silang bibilin,” punto ng Pangulo.

“Kaya’t ‘yun ang hinahanapan namin ng paraan para i-adjust. Siguro ang magagawa natin ay ang pagbili ay hindi bigla. Hindi malaki. ‘Yun lamang, also, you have to remember. This is agriculture, cyclical ito, by season ito,” paliwanag pa ni Marcos na nagsisilbi rin bilang DA chief.


Sa ilalim ng DA 2023 supply outlook, nasa 16.98 milyong metrikong tonelada ang total supply ng bigas kung saan sapat ito para matugunan ang 15.29 milyong metrikong toneladang demand para sa buong taon.

“This would leave the country with an ending balance of 1.69 MMT, which is equivalent to 45 days of buffer stock, instead of the 90-day ideal buffer stock to stabilize the price of rice,” dagdag pa ng Pangulo.

Tags: Jr., Pangulong Ferdinand R. Marcos

You May Also Like

Most Read