Natagpuang walang buhay at nasa basurahan sa ladies’ comfort room sa ground floor ng Manila Doctors Hospital ang isang baong-silang na sanggol na lalaki, habang naglilinis ang isang taga-housekeeping Martes ng hapon sa Ermita, Maynila.
Ayon Kay PCMS Dennis Suba, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, alas 3:20 ng hapon nang makita ni Marian Delos Santos ang isang kulay dilaw na plastic bag habang naglilinis.
Kaagad ipinagbigay- alam ni Delos Santos kay Dann Lawrence Fabian,safety officer ng hospital, ang nakitang kahina-hinalang plastic bag at nang buksan ay tumambad ang patay na sanggol na nakakabit pa ang inunan.
Patuloy na iniimbestigahan ng MPD kung sino ang nagtapon ng kasisilang pa lamang na sanggol sa loob ng CR.
Dinala ang sanggol sa punerarya para sa safekeeping.