Nagpahayag ng pangamba si Manila third district Congressman Joel Chua na gumuho ang Minor Basilica ng San Sebastian sa Quiapo, ang kauna-unahang simbahan sa buong Asya na gawa sa bakal sa sandaling may tumamang malakas na lindol sa Maynila.
Ibinulgar ni Chua, sa ginanap na Manila City Hall Reporter’s Association(MACHRA) Balitaan sa Maynilove sa Mehan Garden na kitang- kita na umano ang pagkasira ng istruktura ng Simbahan.
“Yung altar niya,makikita ninyo umurong na at marami ng bukobok sa loob ,kaya kinakailangan na talaga siyang i-rescue sa lalong madaling panahon kaya lamang ay malaking pera ,bilyon piso ang kailangan,”ayon kay Chua.
Nabatid kay Chua na kabilang ang Sebastian Church sa may 20 cultural heritage na kanilang kinilala sa Maynila na hiniling niya sa kanyangnpanukalang batas na kilalanin nagional culturalnheritagebpara mai-preserba.
Gusto rin umano ni Chua na kilalanin ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang San Sebastian church bilang isang heritage site nang sa gayon ay mai-restore ang simbahan, dahil lubha umanong malaki ang budget na kakailanganin para dito.
Nabatid na ang San Sebastian Church ay itinayo noong 1891 at bilang isang natatanging steel building church sa Pilolipinas ,kinilala ito bilang isang National Historical Landmark noong 1973 at National Cultural Treasure noong 2011 at matatagpuan sa Plaza del Carmen, sa eastern end ng Recto Avenue, Quiapo, Maynila. (JERRY S. TAN)