UMABOT sa sampung kasapi ng Communist New People’s Army ang napaslang ng military habang 14 na mataas na kalibre ng baril ang nabawi ng mga sundalo sa serye ng sagupaang naganap sa Agusan Del Norte.
Ayon kay Brigadier General Adonis Ariel G Orio, pinuno ng Philippine Army 402nd Infantry (Stingers) Brigade, ilang beses na naka sagupa ng mga tauhan ng 23rd Infantry Battalion ang mga nalalabing tauhan ng Platoon 2, Sub-Regional Sentro De Grabidad (SRSDG), Sagay, Sub-Regional Committee 3 (SRC-3) ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) na nag resulta sa pagkamatay ng sampung NPA.
Nabatid na kamakalawa lamang ay sumuko sa 23rd Infantry Battalion at itinuro ng dating rebeldeng komunista ang pinagtataguan nila ang anim (6) na high-powered firearms.
Una rito ay sumuko din ang Jerome Amparo Marapao alias Mark, ang tumatayong medical officer ng Platoon 2, Sub-Regional Sentro De Grabidad (SRSDG), Sagay, Sub-Regional Committee 3 (SRC-3) of the North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) na nagturo din ng lokasyon ng mga baril na kanilang itinago sa Sitio Malambago, Brgy. Sangay, Buenavista, Agusan del Norte.
Dito nakuha ang anim na (6) AK47 Assault Rifles, isang (1) cal. 45 pistol, at iba pang war materiel.
Ayon sa dalawang nagbalik loob sa pamahalaan sumuko na sila sa hirap na dinaranas sa patakbo takbong buhay sa bundok para makaiwas na makasagupa ang mga sundalo .
Pahayag pa ni BGEN Orio , “Many of NPA members are now following the call for a long-lasting and genuine peace that further weakens the NPA organization.”
“ However, the 402nd Infantry Brigade will not cease to intensify our operations to track and pursue the remaining communist rebels here in Agusan del Norte and the rest in our Area of Responsibility. We will stay vigilant as we urge you to abandon the armed struggle, rebuild your family, happy and without fear,” dagdag pa ng heneral.














