INIHAYAG ng Food and Drug Administration (FDA) na sampu pang medisina para sa iba’t -ibang karamdaman ang VAT-free na rin ngayon.
Ayon sa FDA Advisory No. 2025-0510 na may petsang Hunyo 4, idinagdag na rin nito ang nasa 10 gamot para sa kanser, diabetes, mataas na kolesterol, hypertension, at mental illness, sa listahan ng mga gamot na exempted na mula sa value-added tax (VAT).
Kabilang sa mga gamot sa kanser na VAT-free na ay ang Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium capsule (20 mg/5.8 mg/19.6 mg) at Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium capsule (25 mg/7.25 mg/24.5 mg).
Para naman sa diabetes, exempted na rin sa VAT ang Metformin Hydrochloride + Teneligliptin extended-release tablet (as hydrobromide hydrate) (1 g/20 mg) at Metformin Hydrochloride + Teneligliptin extended release tablet (as hydrobromide hydrate) (500 mg/20 mg).
Samantala, wala na ring VAT ang mga lunas para sa mataas na kolesterol na Atorvastatin (as calcium) + Fenobribrate film-coated tablet (20 mg/160 mg).
Para naman sa hypertension, isinama na rin sa listahan ng VAT-free medicines ang Metoprolol tartrate + Ivabradine film-coated tablet (as hydrochloride) (50 mg/5 mg) at Metoprolol tartrate + Ivabradine film-coated tablet (as hydrochloride) (25 mg/5 mg).
Ang mga medisina naman para sa mental illnesses na exempted na rin sa VAT ay ang Lamotrigine dispersible/chewable tablet (5 mg); Lamotrigine oral dispersible tablet (25 mg) at Lamotrigine tablet (25 mg).
Inalis naman ng FDA sa naturang listahan ang Baricitinib (2 mg and 4 mg) na gamot para sa sakit na kanser.














