SAMGYEOPSAL SUMABOG; 15 SUGATAN

By: Victor Baldemor Ruiz

LABINLIMANG katao ang inulat na nasaktan sa naganap na pagsabog sa isang sikat na Korean Restaurant na ikinasira din ng mga katabing establisyemento at ilang sasakyan kahapon ng umaga sa Calapan City Oriental Mindoro.

Sa ulat na ibinahagi ni Police Brig. Gen. Joel B. Doria, Police Regional Office 4-B (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan) chief, bandang als 10:20 ng magkaroon ng isang malakas na pagsabog sa loob ng Mr. Won’s Samgyeopsal isang kilalang Korean Restaurant sa Xentro Mall na nasa Barangay Lumangbayan ng nasabing siyudad.


Base sa initial report 15 katao ang itinakbo sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) at Ma. Estrella General Hospital (MEGH) kung saan dalawa rito ang nasa kritikal na kondisyon.

Hinihinalang tagas o gas leak ang pinag ugatan ng pagsabog makaraang may namataang mga tauhan ng Samgyeopsal na may mga burn injuries.

Bukod sa ilang sasakyan, nadamay din sa malakas na pagsabog ang katabing Red Ribbon bakeshop at isang sangay ng Dunkin donut na mag grand opening pa lamang sana ngayong Biyernes.


Kasalukuyang sinisiyasat pa ng Bureau of Fire Protection at Calapan City Public Safety Department sa pamumuno ni City Administrator Atty. Reymund Al-Ussam ang sanhi ng explosion .

Sa pahayag naman ni Choy Aboboto, Calapan Public Safety Department head, karamihan sa mga sugatan ay mga empleyado ng Mr. Won Samgyeopsal,


Nag-dispatch din ang kapulisan ng kanilang Explosive Ordnance Disposal Unit para tiyakin ang sanhi ng pagsabog.


Tags: Police Brig. Gen. Joel B. Doria

You May Also Like