Arestado ang isang 19-anyos na miyembro ng Sputnik Gang, matapos na tangayin ang isang Epson Printer na nakapatong sa cabinet ng isang stall kahapon ng umaga sa ground floor ng Odeon Mall located na matatagpuan sa CM Recto Avenue corner Rizal Avenue, Brgy. 310, Sta. Cruz, Maynila.
Nasa kustodiya ng Manila Police District -Station 3 ang suspek na nakilalang si Khein Pogenio y Propeta, ng #40 Blumentritt St. Sta Cruz, Maynila
Ayon sa reklamo ni Abegail Pahid, naganap ang insidente, alas- 11:30 ng umaga sa kanyang stall.
Abala umano ang biktima nang kunin ng suspek ang printer na nakapatong sa cabinet.
Nakita umano ng biktima na bitbit na ng suspek ang Epson printer L3210 na kulay itim at nagkakahalaga ng P9,000.at tumatakas kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa security Officer kaya naaresto ang suspek.
Sasampahan ng kasong theft ang suspek sa Manila Prosecutors Office.