Naghihimas ngayon ng rehas ang isang diumano ay miyembro ng ‘Salisi Gang’ matapos na ito ay maaresto dahil sa panloloob sa isang bahay sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.
Nasa kustodiya ngayon ng Alvarez Police Community Precinct ang suspek na si Jojo Agapito, 38, ng No. 3215 Molave St., Tondo, Maynila.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente alas- 9:50 ng gabi kung saan tinangay ng suspek ang dalawang cellphone at laptop ng biktimang si Faida Baluyot, ng No. 1222-D Oroqueta St., Sta Cruz, Maynila.
Nakilala sa CCTV ang suspek kaya naaresto ito ng mga pulis.
Nabawi naman sa suspek angmga ninakaw na gadgets at ito ay sinampahan ng kasong ‘theft’ sa Manila Prosecutor’s Office.














