Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 5 ang isang 18- anyos na. miyembro ng ‘Salisi Gang’ nang nakawin nito ang sling bag ng isang vendor kahapon ng madaling araw sa United Nations Avenue corner A. Mabini Street sa Ermita, Maynila.
Ayon sa biktimang si Mean Binaton, 37, ng No. 1022 Cortada St., Ermita, Maynila, nag- aayos siya ng paninda alas 2:30 ng madaling araw nang kunin ng suspek na si Daniel Celso Pumaren, residente ng #2229 Callon II St., Tejeron Delpan, Sta. . Ana, Manila ang kanyang sling bag na may lamang apat cellphones at P4, 700 cash.
Nang mapansin ng biktima na nawawala ang kanyang bag ay kaagad nitong hinabol ang suspek.
Nagkataon naman na may nagpapatrulyang pulis ng J. Bocobo Police Community Precinct (PCP) na tumulong sa paghabol sa suspek hanggang sa masukol ito sa kanto ng Guerrero at Padre Faura Street sa, Ermita, Maynila.
Nabawi sa suspek ang sling bag ng biktima at maging ang lamang cellphones at cash.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Art 308 Theft (thru Salisi) ng Revised Penal Code, ang suspek sa Manila Prosecutors Office.