Saleslady, nagbebenta ng shabu, arestado

By: JANTZEN ALVIN

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 14 ang isang saleslady at kasama nito na suma-sideline diumano na magbenta ng shabu,kahapon ng hapon sa Quezon Blvd corner Gonzalo Puyat St., Brgy 394, Quiapo Maynila.

Kinilala ni PMaj Gil John Lobaton ng MPD-PS 14 ang mga suspek na sina Nora Ampakay, 24, saleslady at residente ng 112 Block 9, Brgy 649 Baseco compound Port Area Maynila at ang drug user na si Blanquito Gomez,42 at residente ng Interior 26 Bilibid Viejo St., Brgy 391, Quiapo Maynila.


Nabatid na alas -2:15 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu na tumitimbang ng 30 gramo at may street value na P204,000, isang coin purse at P500 marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Station 14

You May Also Like

Most Read