Saleslady at partner, dinakip ng MPD dahil sa P10-M jewelry robbery

By: Carl Angelo

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District – Station 11 ang isang saleslady ng jewelry store at ang kanyang ka-live in dahil sa umano ay pagkakasangkot sa isang kaso ng “holdup me”, kamakalawa ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Sinabi ni P Major Philipp Ines, hepe ng MPD Public Information Office, na nagsilbing susi kung bakit naaresto ang suspek na si Jeffrey Logronio at ang ka -live in at saleslady na si Cheril Vandidato y Zaragosa, 39 ,ng Block 26 lot 2 Naic, Cavite; ay ang motorsiklo na ginagamit na service ng magkalive- in na kaparehas sa motorsiklo na ginamit ng suspek na nanloob sa jewelry store.


Nabatid na alas- 9:02 ng umaga nang pasukin ng nag-iisang holdper ang jewelry storena pag -aari ni Patrick Oraa y Adriano, 33, negosyante, ng 1512 Golden Valley Building corner F. Torres St.., Sta. Cruz, Maynila.

Nakita umano sa CCTV na tinutukan ng armas si Vandidato at binigyan din nito ng kulay green na eco bag ang suspek kung saan Inilagay ang mga alahas na tumitimbang ng 3.5 kilos at nagkakahalaga ng P3 milyon kada kilo, gayundin ang pagtaas nito sakay ng motorsiklo.

Nagtaka umano ang mga imbestigador kung bakit parehas ang motorsiklo ni Vandidato sa motorsiklo na ginamit ng suspek at dito na nabuo ang hinala ng mga awtoridad na kasabwat ng suspek si Vandidato.


Nagsagawa ng follow -up operation ang mga awtoridad si Bahay ni Vandidato at dito nakita ang ginamit ng suspek na motorsiklo.

Nabawi ng mga awtoridad ang mga ninakaw na alahas na nakalagay sa ecobag na kulay green at kapwa sinampahan ng kasong qualified theft sa Manila Prosecutors Office ang dalawang suspek.


Tags: Manila Police District-Station 11

You May Also Like

Most Read