May siyam na oras pang tinangkang isalba ngunit nasawi din ang isang 19-anyos na salesboy na nagbigti dahil sa matinding problema,kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC),ang biktimang si Jerome Manantan, ng No. 383 Sgt.Mabagos St.Tondo,Maynila, pero hindi na rin naisalba ng mga doktor.
Sa imbestigasyon ni PSSg John Kevin Zuñiga,ng Manila Police District-homicide section naganap ang insidente sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.
Ayon kay Lourdes Lorenzo,lola ng biktima dumating sa kanilang bahay ang apo at ibinaba ang kanyang mga gamit at lumabas para mag computer.
Gayunman,pagbalik ng biktima napansin ni Lorenzo malungkot ang apo at tinanong pa umano niya kung ano ang problema nito pero hindi sumagot at sa halio ay umakyat at pumasok sa kanyang kuwarto.
Sinundan pa umano ni Lorenzo ang apo at nakitang may inaayos ito sa kuwarto kaya hindi na ito pinansin ni Lorenzo.
Maya-maya pa ay tinawag ito ni Lorenzo pero hindi sumasagot at ng buksan ang pinto ay nakalock kaya puwersahan itong binuksan ni Lorenzo at dito nakita ang nakabigting biktima.
Humingi ng tulong si Lorenzo para maputol ang tali sa leeg ng biktima at saka mabilis na isinugod sa pagamutan.
Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng pagpapakamatay ng biktima.














