NADAKIP ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director PBGeneral Jonnel C Estomo sa isinagawang manhunt operation ang isa sa itinuturo ng mga salarin sa pagpapasabog at pagpatay sa magpinsan na Nolven at Kieth Absalon Hunyo ng nakaraang taon.
Ang akusado ay nakilalang si Rolly Hermina y Banoy, 51 anyos, at residente ng Brgy. Bolo, Masbate City. Sinasabing miyembro ito ng Larangan 1, Komite ng Probinsya 4 sa ilalim ng kumand ni Eddie Rosero alyas ka Star na nakatuon ang operasyon sa ikalawang distrito ng Masbate.
Batay sa ipinalabaas na warrant of arrest ng RTC, Branch 47, Masbate City noong Agosto 6, 2020, si Hermina ay nahaharap sa kasong dalawang bilang ng kasong murder na walang piyansa. Ito rin ay may nakabinbin na dalawang bilang ng kasong Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide at other Crimes Against Humanity (4(C)(25)(IV) na nakasaad sa RA 9851 na may piyansang Php200,000.00; at Attempted Murder na may piyansang Php120, 000. 00.
Si Hermina ay nadakip sa isinagawang manhunt operation nang pinagsamang operatiba ng RIU5 PIT Masbate katuwang ang Masbate CPS; RPSPU5-CI Team; IOS FIID SAF (SIT Masbate); 94th SAC 9th SAB PNP SAF; CIDG Masbate PFU; PIU Masbate PPO; 502nd MARPSTA; 1st PMFC; at 96th MICO, 2IB dakong 1:00 ng hapon nitong Abril 18, 2022.
Siya rin at kabilang sa pagpatay sa isang sibilyan sa ngalan ni Samuel Verano noong taong 2019.
Si Keith Abasalon na pamosong Far Eastern University Football Player at at UAAP juniors football Most Valuable Player ay napatay kasama ng kanyang pinsang si Nolven nang pasabugan at pagbabarilin ng mga kasapi ng CPP-NPA habang nagbibisikleta nuong Hunyo ng nakalipas na taon.
Inako ng CPP-NPA ang pagpatay subalit is alamang umano itong pagkakamali sa kanilang inilunsad na opensibang guerilla.
Pinuri ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 ang mga mga operatiba na nanguna sa nasabing operasyon upang tugisin at dakpin ang akusado.
“Ang ating mga kapulisan katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay hindi tumitigil upang makamit ang hustisya sa mga biktima. Ito rin ay sa paglalayong iwasan at protektahan ang bawat Bicolano mula sa karahasan at panggigipit na maaaring gawin ng mga rebeldeng grupo”, ayon kay RD ESTOMO. (VICTOR BALDEMOR)