Latest News

SALAKNIB 2022:SA PAGITAN NG US AT PHIL. ARMY, SIMULA NA

NAGSIMULA na ang taunang Salaknib o military war exercises sa pagitan ng Philippine at U.S Army, na itinataguyod ng US Army Pacific Fort Magsaysay, Nueva Ecija. Ang bilateral exercise ay idinisenyo upang pahusayin ang kapasidad at interoperability ng U.S. at Philippine Army sa buong spectrum ng mga operasyong militar, habang pinapalakas din ang ugnayan sa pagitan ng dalawang matagal nang magkatuwang na bansa.

Pinangunahan nina U.S. Army Pacific Deputy Commanding General Maj. Gen. Matthew W. McFarlane at Philippine Army Exercise Director Brig . Gen. Alvin B. Flores ang ang ginanap na opening ceremony

“The United States just published an Indo-Pacific strategy. Two key aspects of that strategy are to build connections in the region and to bolster security in pursuit of a free and open Indo-Pacific. This exercise is a demonstration not only to each other, but to all those around the world with inclinations of not abiding by a free and open Indo-Pacific,” ani Maj. Gen. McFarlane.

Halos 1,100 sundalo ng U.S. Army Pacific ang lalahok sa Salaknib ngayong taon, na binubuo ng maramihang field training exercises, staff exercises, subject matter expert exchanges, amphibious landing training, medical training, at ang unang akreditadong U.S. Jungle Operations Training Course sa Pilipinas.

Bilang pagsunod sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan ng COVID-19, 100 porsiyento ng mga naka-deploy na sundalo ng U.S. Army Pacific ay nabakunahan at susundin ang mga alituntunin na naglalayong protektahan hindi lamang ang mga pwersa ng U.S. at mga kaalyadong pwersa kundi pati na rin ang lokal na populasyon.

Gagamitin sa ehersisyo ang Army Prepositioned Stock 3, na nagdala ng mga sasakyan at supply sa Subic Bay sa pamamagitan ng U.S. Navy Ship Red Cloud, na nagpapakita ng kakayahan ng U.S. Army Pacific na i-deploy at mapanatili ang puwersa sa buong Indo-Pacific. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read