GUSTO ko lang i-correct what I wrote sa Peoples Tonight Online recently ang tungkol sa bagong bukas at kauna-unahang Japan salon sa bansa na Sakura Lounge Ph.
Not KILAY po pala ang master piece ng beauty salon kundi LASHES AND NAILS.
Ang CEO-cum-owner ng Sakura Lounge Ph na si Dahlia Flores ay nag-master ng LASHES and NAILS sa Japan, kung saan siya ay may license para gumawa ng pilikmata at magpaganda ng mga kuko.
Say ni Ms. Dahlia: “Ang isa sa dahilan kaya ako nag-open ng shop dito sa Pinas ay para mai-share ang mga natutunan ko sa mga kapwa natin Pilipino at magbigay ng high- quality lashes and nails na certified Japan-style.”
“Lahat ng product namin made in Japan. Yan po ang isa sa pwede kong maipag malaki,” dagdag pa ni Ms. Dahlia.
Magmula nang mag-open ang Sakura Lounge Ph dito sa bansa, karamihan ng clients nila ay pawang mga artista para magpalagay nf lashes sa kanilang beauty salon.
Nag-grand opening ang Sakura Lounge Ph last November 16 kung saan maraming showbiz personalities ang nagsidalo.
Ilan sa present sa opening ng Sakura sina Christine Samson, Neil Coleta, Regine Angeles, Rico Barera, Danilo Barrios, Ali Forbes, Mocha Girls and a lot more.