ANG first-ever Japanese salon na Sakura Lounge PH na pag-aari ni Dahlia Flores ay nag-grand opening last November 17 sa Tomas Morato, Quezon City.
Dating nasa showbiz si Ms. Dahlia at hindi niya tinuloy ang pag-aartista dahil ang magkaroon ng sariling business ang dream niya.
Mahilig siya sa pagpapa-beauty at ang magkaroon ng sariling beauty Clinic ang nais niyang maging negosyo.
“Lahat talaga pinag-aralan ko. Ang ginagawa kong modelo ay ang mukha ko.. Lalo na ang pagkikilay.
“Nanonood din ako sa mga video. Nag-enrol din ako ng small.courses dito sa atin. Nang mag-stop ako sa showbiz ay nagpunta ako ng Japan. Doon ako matagal na nagwork.
“Kahit nandoon na ako nagmamasid-masid pa rin ako tungkol sa pagpapaganda. Nag-aral din ako doon. Pinag-aralan ko ang lahat ng kanilang mga kaalaman about beautification.
“Nang malaman ko na
ang lahat ng mga pasikut-sikot sa beauty climic ay sumugal na ako.
Nag-open ako sa Japan ng sarili ko ng beauty salon, named, Sakura Lounge JP, 4 years and a half na po iyun. Lahat po ng produktong ginagagamit namin ay Japan-made,” mahabang kuwento ni Ms. Dahlia.
Sa tanong namin kung okay naman ba ang business niya doon, sagot niya: “So far so good po naman Syempre, dumaan din kami sa struggles nu’ng nagkaroon ng pandemic. Mabuti na lang po hindi nag-lockdown sa Japan kaya continuous pa rin ang services namin though, mahina po talaga ang kita nu’ng time na yun.”
To make the long story short, nalampasan nila ang struggles na, at aniya: “And now here I am, dinala ko po dito sa atin ang aking shop, Sakura Lounge PH.”
“Kung ano po ang services na binibigay namin sa mga client doon sa Sakura Lounge JP ay ganun din po dito.”
Baka naman mahal ang service price?
“No it’s not. Very affordable prize po kami. And I will assure.you na magugustuhan nila ang aming serbisyo.”
Ano ang pinaka-special treatment ng Sakura Lounge PH?
“Ang kilay po. Marami po ang nagpapagawa sa amin.ng kilay. Ang iba nagpapatattoo at yung iba naman ay nagpapaayos ng kanilang kilay.”
Bakit ang kilay?
“Kasi po ang emphasis ng kagandahan ng isang tao ay nasa kilay. At yan po ang minaster ko nang mag-aral ako sa Japan,” pagmamalaking sabi ng 38 years old entrepreneur/businesswoman.
May isa pang goal na gustong makamit ang CEO ng Sakura JP/PH, ang magkaroon sila ng franchise. Soon ay baka i-open ko for franchising ang Sakura.”
Sa grand opening ng Sakura Lounge PH ay ang maraming sumuportang celebrities sa salon.
Namataan namin doon sina Neil Coleta, Regine Angeles, Mocha Girls, DJ Lono, atbp. na mga kaibigan niya sa showbiz.
Pahabol pa ni Dahlia na katatapos lang daw magpagawa sa kanila ng kilay si Rosanna Roces.
Si KitKat ang masasabi niyang endorser nila ng Sakura Lounge PH.
“Marami siyang ini-endorse na celebrities dito sa salon,” ani Dahlia, na hindi lang isang entrepreneur kungdi isa rin siyang producer.