TONE-TONELADANG smuggled red onions lulan ng isang Isuzu closed van at isang sea vessel ang nasabat ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine at Bureau of Custom sa Varadero de Cawit, Brgy. Cawit, Zamboanga City.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci libo libong sako ng imported na sibuyas ang nasabat ng Naval Forces Western Mindanao katuwang ang Bureau of Custom bukod pa sa nakumpiskang drum drum na petroleum products lulan ng isang water craft.
Sa ulat, kamakalawa sinabat ng Naval Forces Western Mindanao, Bureau of Customs District Port of Zamboanga, Philippine Coast Guard, Marine Battalion Landing Team-11, Intelligence Operatives of Western Mindanao at Joint Task Force Zamboanga sa magkakahiwalay na anti-illegal smuggling operations ang mga smuggled na pulang sibuyas na nasa 44 thousand kilos at 300 drums ng iligal na ibinabiyaheng petroleum products tulad ng gasolina, langis at iba nitong sa Barangay Cawit, Zamboanga.
Unang nasabat ng mga otoridad ang isang closed van na may kargang 3,000 bags ng smuggled na red onions sa Varadero de Cawit ng nabanggit na bayan.
Kinumpiska rin ang laman ng watercraft o motor banca na MJ Marisa na may dalang nasa 8,000 mesh bags ng mga kulay pulang sibuyas na may kabuuang 44,000 kilos ang mga nasamsam na kontrabando.
Samantala, isa pang water craft na ML Zhary na may kargang 3,000 drums ng smuggled petroleum, oil and lubricants o (POL) ang sinamsam nang magsagawa ng Visit, Board, Search and Seizure o (VBSS) ang mga operatiba sa kaparehong lugar.
Nasa pangangalaga ngayon ng BoC-Zamboanga ang mga kinumpiskang kontrabando at ang involve na sasakyan at mga motor banca na nakatakdang isailalim sa inventory at sasampahan ng paglabag sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act.
This accomplishment is part of Naval Forces Western Mindanao and Western Mindanao Command`s strong resolve and commitment to assist other government agencies and LGUs on their campaign to eradicate smuggling and other illegal activities in the region, pahayag naman ng WESTMINCOM sa report na nakarating kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)