Latest News

SAKAY NG NAWAWALANG CESSNA PLANE PAREHONG PATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

KAPWA PATAY ang dalawang sakay ng nawawalang Cessna Plane RP-C8958 na bumagsak sa boundary ng Barangay Salvacion, Luna at San Mariano Pudtol, Apayao.

Ayon kay Apayao Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Jeoffrey Borromeo, natagpuan na ang wreckage ng Cessna 152 at natagpuan din ang dalawang sakay nito na kapwa wala nang buhay.

Ang naturang training aircraft ay may sakay na isang pilot instructor at Indian student pilot.


Sinasabing nag-take-off ang trainer plane sa Laoag International Airport bandang 12:16 martes ng hapon at inaasahan sanang lalapag sa Tuguegarao City Airport ng 3:16 PM kahapon, August 1 subalit hindi ito nakarating.

Nagkaroon ng pangambang may masamang nangyari sa eroplano na pag aari ng Echo Air, ng makabalik ang isa pang trainer plane na lumipad kasunod ng nawawalang Cessna.


Hindi na umano ito nakabalik mula sa kanyang flight plan na touch-and-go activity sa Cauayan Airport bago sa final destination sa Tuguegarao Airport.


Tags: Cessna Plane RP-C8958

You May Also Like

Most Read