Latest News

SAKAY NG JEEP NA TINANGAY NG TUBIG… ISA PATAY, ISA PA ANG NAWAWALA

By: JESSE KABEL

GAMIT ang isang drone, natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang bangkay ng isa sa dalawang nawawalang pasahero ng passenger jeep na tinangay ng rumaragasang tubig habang tumatawid ng ilog sa Rosario Batangas.


Nabatid na nagsagawa ng joint search and rescue operation ang PCG para hanapin ang dalawang nawawalang pasahero ng jeep na tinangay ng malakas na agos ng ilog.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente bandang alas- 5:30 p.m. nitong Sabado nang tangkain ng isang passenger jeepney na may sakay na 14 na pasahero ang spillway sa ibabaw ng Paninsingin River, subalit dahil sa lakas ng currents ay tinangay ang sasakyan palayo sa tinatawiran at tuluyang lumubog .

Agad namang sumaklolo ang mga residente naninirahan sa paligid nasagip ang 12 pasahero .


Ayon pa sa PCG Southern Tagalog District, namataan ang bangkay gamit ang aerial drone bandang alas 8:57 a.m kahapon, Linggo, sa may river channel tatlong kilometro mula sa spillway crossing sa Barangay Colongan kung saan naganap ang sakuna.

Patuloy namang pinaghahanap ang isa pang lalaking missing nanaka suot ng kulay asul na short at itim na printed t-shirt.


Tags: Philippine Coast Guard at Chinese Embassy

You May Also Like

Most Read