Latest News

Sahod ng 38 Filipino crew ng M/V Hondius, mananatili habang nasa quarantine facility – DMW

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy na tumatanggap ng sahod ang 38 na Filipino crew members ng M/V Hondius habang sila ay kasalukuyang naka-quarantine sa Netherlands.

Ayon kay Assistant Secretary Jerome Pampolina, ang ilan sa crew ng M/V Hondius ay maabutan na ng ‘end of contract’ habang nasa quarantine, habang ang iba na hindi ay makatatanggap pa rin ng sahod kahit makauwi na sa Pilipinas pagkatapos ng quarantine, batay sa kontrata.


Inihayag ng DMW na nananatili ang kanilang allotment o bahagi ng kita na naitatabi para sa gastusin ng kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Samantala, patuloy ang DMW, katuwang ang DFA, Philippine Embassy at DOH, sa pagtiyak sa magandang kalagayan at kalusugan ng mga tripulanteng Pinoy.

Kamakailan lang ay bumisita si DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa the Netherlands para makipagpulong sa mga kinauukulan sa bansa at matiyak din ang kanilang kondisyon habang sila ay nanatili sa quarantine facility. (Tony Gildo)


Tags: Department of Migrant Workers (DMW)

You May Also Like

Most Read