Latest News

SAGUPAANG CHARO-CABRAL SA ‘BATANG QUIAPO’ NAG-VIRAL

By: Beth Gelena

Nawindang ang viewers sa episode ng Batang Quiapo last June 26.

Imagine si Mercedes Cabral walang galang na pinalagan ang dating executive ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos kaya naman nag-viral ang episode.

Nalaman ni Ms Charo (Tindeng) na binahay na ni Rigor (John Estrada) si Lena (Cabral) kaya sinugod ito ni Tindeng.

Naabutan niyang sa dating kwarto niya nakahiga si Lena kaya hinila niya eto sinabunutan at pinagsasampal.

Hindi nagpatinag si Lena dahil isa siyang pulis, tinutukan niya ng baril si Tindeng.

Balisong naman ang pinangsangga ni Tindeng kay Lena.

Si Camille (Yukii Takahashi) na witness sa pagsasabong nina Lena at Tindeng, biglang sumakit ang tiyan.

Akala ng netizens ay manganganak, Hindi pa rin pala.

Siya ang nagtanggol kay Tindeng na parehong kinagalit nina Rigor at anak niyang si David (McCoy de Leon).

Parang may lapse yata at Hindi pinag-isipan ang binitawang salita ni David kay Camille.

Aniya: “Hoy Camille, wag ka nang nakikialam dahil wala ka namang alam. Disgrasyada ka lang kaya andito ka sa bahay.”

Hindi ba alam ni David na siya ang nakabuntis kay Camille kaya niya inuwi sa kanilang bahay?

Komento nga ng netizen: “Sino ba ang nakadisgrasya kay Camille, di ba si David?”

Tags:

You May Also Like

Most Read