Sabayang Labor Day job fairs, idinaos sa Marikina

By: Baby Cuevas

Upang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng trabaho ang mga residente, nagdaos ng sabayang job fairs ang tanggapan ni Marikina 1st District Representative Marjorie Ann “Maan” Teodoro sa Marikina City Hall at SM City Marikina nitong Lunes, kasabay nang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.

“Tayo po sa Marikina, gusto po natin hindi lang ang panandaliang ayuda, gusto natin ay pangmatagalang tulong, at itong mga trabahong ibibigay po natin at makukuha po ng ating mga kababayan ay napakalaking bagay para sa kanilang pamilya,” ayon kay Cong. Maan, sa kanyang talumpati sa job fair na isinagawa sa SM Marikina.


Sinabi ng mambabatas na kabuuang 15 kumpanya ang nakibahagi sa naturang job fair na isinagawa sa quadrangle Marikina City Hall habang 35 kumpanya naman ang nakiisa sa job fair sa SM City Marikina.

“We started doon sa Marikina City Hall quadrangle. There were a total of 120 applicants there. Akala ko ho ang dami na nun, but when I came to SM Marikina, doble, 300 job applicants,” anang kongresista.

Aniya pa, “We have a total of 35 companies here at SM Marikina and sa Marikina City Hall quadrangle naman, sa loob ng ating city hall, mayroong 15 companies which are all high caliber din naman.”


Sa ngalan naman ng kanyang asawang si Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, pinasalamatan ni Cong. Maan ang lahat ng kumpanyang lumahok sa sabayang job fairs sa lungsod.

“In behalf of our Mayor Marcy Teodoro, we thank all of the companies and agencies who have joined us today. You have helped us fulfill the dreams of our jobseekers,” aniya.


“Napakahalaga po ng trabaho sa ngayong panahon, matapos po ang pandemic marami ho talagang pinagdaanan at pagdadaanan pa ang ating mga kababayan,” dagdag pa niya.

Nabatid na hanggang alas-11:00 ng umaga, nasa 36 na jobseekers na ang natanggap sa trabaho on the spot ng mga kumpanya na lumahok sa job fair sa SM Marikina.


Kabilang naman sa mga kumpanyang lumahok sa aktibidad ay Business Process Outsourcing firms (BPOs), mga bangko, transportation companies, food chains, supermarket chains, telecommunications companies, shoe manufacturers, government agencies at mga paaralan.

Tags: Marikina 1st District Representative Marjorie Ann “Maan” Teodoro

You May Also Like

Most Read

Latest News