UMAABOT sa P408 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency katuwang ang ilang operatiba ng AFP-ISAFP mula sa isang itinuturing na high-value target sa Marilao, Bulacan.
Ayon kay PDEA Director General, Wilkins Villanueva, nasa 60 kilo ng shabu ang nasamsam sa isang joint major narcotics operation ang ikinasa ng kanyang mga tauhan kasama ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines, at National Intelligence Coordinating Agency sa Marilao.
Nakasilid ang mga ilegal na droga sa pakete ng tsaa at sa pagtaya ng PDEA, nagkakahalaga umano ng P408 milyon ang mga nakumpiskang kontrabando.
Ayon sa mga awtoridad, nasa likod ng malaking bentahan ng droga sa Bulacan at mga karatig-lalawigan ang inarestong high-value target na kinilalang si Jalon Supe Laureta, ng Daisy St. Green Valle Molino II Bacoor, Cavite
Kamakalawa ay umaabot sa higit P20-M halaga ng shabu ang nasabat sa Muntinlupa, at Cavite habang P3.5 milyong hinihinalang shabu ang nasabatnaman sa Quezon City
Bukod sa 60 kilos ng shabu nahuli kay Laureta ay sinamsam din ang isang Toyota Altis Champagne XPS 112 isangAndroid phone Isang Nokia basic analog phone na ginagamit pang transakyon sa mga parokyano at isang Identification Cards .
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (VICTOR BALDEMOR)