TARGET ng Bureau of Customs (BOC) na muling buhayin ang ang operasyon ng Philippine Customs Laboratory (PCL).
Ito ay upang masuri ng maayos ang mga produktong kemikal na pumasok sa bansa at matukoy ang nararapat na buwis para sa mga imported na produkto.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, kabilang sa natalakay sa nakalipas na training program ng Korea International Corporation Agency ang pagbuhay sa PCL.
Nabatid na nangako ang KOIKA na tutulong sa muling pagbuhay ng PCL matapos ang isinagawang pagpupulong .
“This initiative took place during the five-day program on Capacity Building on Customs Laboratory Processes from June 19 to 23, 2023. Ani Rubio.
Ang programa ay magkatuwang na inorganisa ng KOICA, ng Korea International Cooperation Services, Korea Central Customs Laboratory (KCCL), at Korea Customs Service s ailalim ng International Cooperation Program of the Government of Korea.
Ani Comme. Rubio, isang oportunidad ito upang mapalakas ang border security, mapataas ang revenue collection, at lalo pang pagtibayin ang international cooperation sa hanay ng customs.
Dagdag pa ni Rubio, malaking tulong ito sa modernisasyon at mas mapagkakatiwalaang Customs dahil ang PCL ang magsisilbing hadlang laban sa technical smuggling sa pamamagitan ng teknolohiya.