SA SONA NG PANGULO; TOTAL GUN BAN SA 3 REHIYON

By: Victor Baldemor Ruiz

sona

NAKATAKDANG magpatupad ng total gun ban ang Philippine National Police sa tatlong rehiyon rehiyon sa bansa kaugnay sa gaganaping ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.


Kaugnay nito , inihayag din ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, na aabot sa 23, 000 na Pulisya ang kanilang idedeploy sa paligid ng Batasan Complex at sa mga estratehikong lugar at mga places of convergence.

Ang naturang SONA ng punong ehekutibo ay gaganapin sa House of Representatives sa darating na July 24.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Chief Police MGen. Leo Francisco kasama sa magpapatupad ng gun ban ang Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon.


Magsisimula at iiral ang implementasyon ng 24 oras na gun ban mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-11:59 ng gabi ng July 24.

Paliwanag ni Mgen Francisco , suspendido muna pansamantala ang lahat ng permit to carry firearms outside residence ng mga gun owners sa tatlong nabanggit ng rehiyon sa bansa.


Ibig sabihin, bawal muna magbitbit ng baril ang mga gun owners sa nasabing panahon kahit pa mayroon silang valid PTC kung saan tanging mga law enforcers lamang ang pinapayagan magbitbit ng baril.

Una ng sinabi ng PNP na nasa final stage na sila ng kanilang inilalatag na security preparation para sa SONA.


Tags: Philippine National Police

You May Also Like