Latest News

Sa isyu ng pakikialam at pagbabanta umano… CHINESE EMBASSY NAGPALIWANAG, ‘TAKEN OUT OF CONTEXT’ LANG DAW

By: Victor Baldemor Ruiz

Sinasabing ‘taken out of context’ lang daw o na-twist ang pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian hinggil sa umano’y pakiki-alam nito o pagbabanta sa seguridad ng may 150 Filipino overseas workers (OFWs) kaugnay sa usapin ng ‘One China Policy’ at pagpapagamit sa US forces ng mga EDCA sites na umani ng pagtuligsa mula sa iba’t- ibang sektor.

Dahilan ito upang magpaliwanag ang Chinese Embassy sa naging pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, kaugnay sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Taiwan na posible umanong maapektuhan kung susuportahan ng Pilipinas ang Taiwan independence.

“It is appreciated that there was extensive coverage on Ambassador Huang Xilian’s speech at the 8th Manila Forum,” anang embassy.

“Unfortunately, some misquoted or misinterpreted Ambassador Huang’s remarks or simply took part of the Ambassador’s words out of context,” dagdag pa ng embahada.

Mabilis na naglabas ng kani-kanilang pahayag ng pagsalungat at pagtuligsa ang ilang sangay ng gobyerno sa statement na binitawan umano ni Ambassador Huang Xilian sa ginanap na ika-8 Manila forum nitong nagdaang linggo.

Partikular ang pahayag umano ng Chinese envoy kung saan pinayuhan nito ang Pilipinas na tutulan ang kasarinlan ng Taiwan kesa sa pasidhiin ang apoy sa pamamagitan ng pagkakaloob ng access sa mga sundalong Amerikano at kanilang mga kagamitan sa military bases ng bansa malapit sa Taiwan Strait, kung tunay na nagmamalasakit ito (Pilipinas) sa 150,000 OFWs doon.

Una nang nilinaw ng Department of National Defense (DND) na walang intensyon ang Pilipinas na makialam sa isyu sa Taiwan at hindi papayag na maging kasangkapan ang ating bansa ng ibang mga bansa para makialam sa naturang isyu.

Kaugnay nito, inilabas ng embahada ng China ang buong transcript ni Amb. Xilian, na nagpahayag ng ganito:”Some tried to find excuse for the new EDCA sites by citing the safety of the 150,000 OFWs in Taiwan, while China is the last country that wishes to see conflict over the Strait because people on both sides are Chinese,” base sa official transcript ng Chinese envoy.

Ayon naman kay National Security Adviser Eduardo M. Año, “we have made our position clear that the increased security cooperation between the Philippines and the United States is meant to develop and strengthen the capabilities of the Armed Forces of the Philippines (AFP) to enable it to protect and defend the territory of the Philippines and is not meant to contain or counter any nation in the region or to interfere in another nation’s affairs.

Pahayag naman ni NSC spokesperson Jonathan Malaya , na sinisiguro ng Pilipinas ang pagkilala nito sa One China Policy at sa “non-interference” principle bilang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at ang apat na karagdagang EDCA sites ay inaprubahan para sa pagpapalakas ng defense posture ng bansa.

Iginiit ng National Security Council na walang intensyon ang Pilipinas na manghimasok sa isyu ng Taiwan Strait, pero hindi rin umano ito magpapasindak sa anumang banta ng sinumang bisita sa bansa.

Ayon naman sa ilang analysts at maging sa ilang military officers, ang pahayag ni Huang ay mistulang pagbabanta.

Tags:

You May Also Like

Most Read