SA IKA-73 ANIBERSARYO NG PROC, MUTUAL TRUST IGINIIT SA PILIPINAS

“We should properly handle differences to remove interference from China-Philippines relations.”

Ito ang isa sa apat na puntong binigyang-diin ni Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian, kasabay ng pahayag na dapat umanong pangalagaan ng Pilipinas ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at alisin ang “panghihimasok” sa kanilang relasyon.


Sa kanyang talumpati sa ika-73 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China, sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian na dapat ilagay ng Pilipinas at China ang kanilang mga ‘differences’ sa tamang lugar at humanap ng mapayapang solusyon sa pamamagitan ng ‘friendly consultations’ upang ang pangkalahatang relasyon ay hindi maging apektado at maging maayos.

We should deepen mutual trust to ensure a solid foundation for China-Philippines relations, ani Huang Xilian.

Binigyang-diin din niya na nakahanda ang China na makipagtulungan sa Pilipinas para ipatupad ang pinagkasunduan nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na sundin ang blueprint para sa pagtutulungan upang magkatuwang na maghatid ng bagong “golden era” sa bilateral relations.


Magugunitang binalewala ng China ang isang desisyon noong 2016 ng Permanent Court of Arbitration na nagdeklara ng makasaysayang pag-angkin nito sa West Philippine Sea bilang walang batayan.

Sa halip, iginiit ng Beijing ang bilateral talks sa Pilipinas at nagsabing, “We should deepen mutual trust to ensure a solid foundation for China-Philippines relations. We need to step up communication on bilateral, regional and international issues from a strategic and long-term perspective, so as to enhance mutual trust and prevent our cooperation from being overshadowed by trivia.” (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian

You May Also Like