SA GINANAP NA PHIL-AUS COMBINES AMPHIBIOUS ASSAULT DRIL FAKE NEWS HUWAG PATULAN – SEC GIBO TEODORO…

By: Victor Baldemor Ruiz

Ito ang ginawang panawagan kahapon ni Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro sa hanay ng media kaugnay sa isyu ng BRP Siera Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal matapos nilang saksihan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ang ginanap na Philippine-Australia Combines amphibious exercise sa Zambales.

Sa ginanap na pulong balitaan matapos ang joint war exercise ay nanawagan si Sec Teodoro sa mamamayan na huwag patulan ang mga pinakakalat na fake news hinggil sa West Philippine Sea.


“Alam ninyo marami ang nagtatanin ng fake new gaya ng may pangako kung sinoman, na gentlemen’s agreement na hatakin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin (Shoal). Pag ating pinatulan yan ang lalabas tayo tayo ang magtuturuan tayo tayo ang mag aaway away sa tanim na propaganda na yan . Tapos tawa ng tawa yung ating katungali habang tayo ay nag-aaway away dito. Kaya huwag na nating patulan mga kababayan ang mga fake news na yan.

Sa halip nanawagan ang kalihim sa sambayanan na magtulungan na lamang kung paano mapapangalagaan ang teritoryo o soberanya ng bansa partikular ang mga lugar nasasaklaw ng exclusive economic zones ng pilipinas .

Suportado din ni Teodora ng pahayag ng Pangulo Marcos na linangin pa ang ugnayan sa Australia .


Ayon kay President Marcos, makikipag ugnayan siya sa Prime Minister ng Australia hinggil sa defense and security cooperation pag bumisita ito sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Sinabi pa ni Marcos na nais niyang magpatuloy ang mga katulad na pagsasanay gaya ng Amphibious Operation of the Indo-Pacific Endeavor na ginanap kahapon , “Certainly going to be part of the discussion with Australian Prime Minister Anthony Albanese.”


Personal na sinaksihan ng commander in chief kasama sina Teodoro, Afp chief of staff General Romeo Brawner ang mga major service commander ang kauna unahang amphibious assault exercise kung saan tampok ang coordinated amphibious and land operation (ALON) bilateral training sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines, Australian Defense Force at United States Marine Corps sa Naval Station Leovigildo Gantioqui, San Antonio, Zambales.

Ito ay ang ikalawang bahagi ng three field training exercises sa ilalim ng Indo Pacific Endeavor ALON 2023.


Layon ng bilateral exercise na palakasin ang proficiency at maipakita ang kapabilidad ng maritime, amphibious at land operations ng sandatahang lakas ng tatlong bansa.

Nasa mahigit 2,400 sundalong Pilipino, Amerikano at Australyano ang lumahok sa sabayang pagsasanay.

Participants included 560 from the AFP, and 1,200 from the ADF, with support from the 120 USMC. Assets supporting were HMA ships Canberra and Anzac, with the Tarlac-class BRP Davao Del Sur (LD 602); close air support from Royal Australian Air Force F-35A Lightning II aircraft; Australian Army M1A1 Abrams tank and two Philippine Marine Corps Amphibious Assault Vehicles, with air lift support by Darwin-based USMC MV-22B, base sa datos na ibinahagi ni Col Rookie Ileto AFP Public Information Office chief.



Tags: Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro

You May Also Like