Sa bloodless anti drug war ni PBBM… P20.7 BILLION DROGA NASAMSAM NG PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

TINATAYANG umaabot sa P20.7 Billion ang halaga ng nasabat na droga ng Philippine National Police sa kanilang ng Bloodless Anti- Drug war sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon sa datos na ibinahagi PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, nadoble ang bulto ng droga na kanilang nasabat sa serye ng ikinasang anti-narcotics operation ng kapulisan kumpra noong nakaraang taon.


Pahayag ni Gen. Marbil, sa ipinatupad nilang recalibrated at bloodless anti-illegal drugs campaign ay nakapagtala ito ng 101% increased kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon kaya masasabing epektibo ang direktiba ni PBBM.

Sinasabing nakasamsam ang PNP ng tinatayang P20.7-B na halaga ng ilegal na droga mula unang araw ng Enero hanggang Disyembre 15, 2024.

Base sa datos 46,821 anti-drug operations ang inilunsad ng PNP sa buong bansa na nagresulta sa pagkaka aresto ng 57,129 mga indibidwal at pagkakasabat ng halos 8 metriko tonelada ng ilegal na droga.


Nanguna rito ang PNP-Police Regional Office 4A (Calabarzon) na may pinakamalaking halaga ng nasabat na droga sa P9.9B na sinundan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na may P2.4B

“Our commitment to a calibrated anti-drug campaign, which puts a premium on human rights, has proven that we can dismantle drug syndicates without unnecessary loss of life,” ani Marbil.


Nilinaw pa ng heneral na ang kanilang recalibrated at bloodless anti-illegal drugs campaign ay naka-angkla sa pagpapahalaga sa human rights.


Tags: Police General Rommel Francisco Marbil

You May Also Like

Most Read