Ito ang ginawang pagtiyak ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines sa kanilang pakikiisa sa paggunita ng milyon milyong manggawa sa Labor Day.
Sa mensaheng ibinahagi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr., sinabi nito na: “Aming kinikilala at ipinagtatanggol, alinsunod sa Saligang Batas, ang mga karapatan ng mga manggagawa, kabalikat ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (Department of Labor and Employment).”
“Ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ay taos-pusong bumabati sa mga manggagawang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa (Labor Day). Ang araw na ito ay pag-alala at pagkilala sa kontribusyon ng ating mga manggagawa tungo sa isang matatag, maunlad, at payapang Pilipinas,” ani Sec Gibo Teodoro.
‘Tungkulin ng Kagawaran na tiyakin ang seguridad at pangalagaan ang teritoryo ng ating bansa upang malayang maipatupad ang iba’t-ibang proyekto at programang pangkaunlaran ng pamahalaan—alinsunod sa atas at pangunguna ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.—tulad ng pagpapalago ng mga industriya, pagtatayo ng mga imprastraktura at mga programang socio-civic para sa kapakanan ng ating mga mamamayan.”
Sabi pa ng kalihim, “Patuloy naming tapat at mahusay na gagampanan ang aming mga tungkulin, pangunahin na ang pagpapatatag at pagmomodernisa ng ating Sandatahang Lakas, para sa komprehensibong pagtatanggol sa ating kalayaan at soberanya.”
Sinasaluduhan naman umano ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner ang hanay ng mga Pilipinong mangagawa na kinikilalang “driving force behind our nation’s strength and resilience.”
“The AFP stands with you. As you build and sustain the firm foundations of our nation, we, your Armed Forces, remain steadfast in our duty to safeguard the peace and security that allow every Filipino to labor with dignity and pride. Maraming salamat sa inyong pagsisikap, pagmamahal, at malasakit para sa bayan.,” dagdag pa nito.
Ang Kagawaran at Hukbong Sandatahan ay nakikiisa umano sa pagpupugay at pagbati sa mga manggagawang Pilipino, na tunay na maipagmamalaki saan mang panig ng mundo.
“From the farmers who till our land, to the teachers who shape young minds; from healthcare professionals and public servants to skilled workers and OFWs — _kayo ang tunay na bayani sa araw-araw, ani Heneral Brawner_. You labor not only for your families but for the generations yet to come. In the way you strive and persevere, you embody what it means to work with honor, purpose, and heart,” ani General Brawner.