RYAN BANG AT GF, MUNTIK MAGHIWALAY DAHIL KAY OGIE ALCASID

By: Beth Gelena

Nabigla si Gladys Reyes ng aabihin ni Ryan Bang, kung sino ang pinagseselosan ng fiancee niyang si Paola Huyong.

Guest kasi ni Gladys ang Korean actor- TV host, kamakailan sakanyang vlog.

Nakuwento ni Ryan na may pinagseselosang taga-showbiz ang girlfriend na si Paola at natanong ng aktres kung mga kasamahan niya ito “It’s Showtime.”


While talking about the hosts of “It’s Showtime,” Gladys asked Ryan about singer-songwriter na si Ogie Alcasid na super-close sa Koreano.

“Isa siya sa pinaka ka-close ko ngayon. Saka first time na nagselos si Paola dahil kay Kuya Ogie,” kuwento ni Ryan.

“Bakit! Ano yun? Hindi ko alam yun!” sagot ni Gladys.

Paliwanag ni Ryan: “Bukambibig ko raw si Kuya Ogie. Usually diba, nagse-selos yung mga babae sa babae? Siya, nagselos siya kay Kuya Ogie kasi sabi ko, ‘Alam mo, si Kuya Ogie, pag-swing niya napaka-séxy.’ Magkasama kami lagi sa golf. So sobrang galing ni Kuya Ogie mag-golf kaya naging idol ko siya.”


Pagbubulgar pa ni Ryan: “First time ako nag-champion sa Golf Tournament sa ABS-CBN Golf Tournament eh dahil kay Kuya Ogie.”

“In love na in love ako kasi ang galing niya mag-golf! Muntik na kami mag-hiwalay ni Paola dahil kay Kuya Ogie Alcasid.”

Kaya natatawang nasabi tuloy ni Gladys: “Nako ah, sa mga hindi nakakaalam, imagine mo, hindi ibang babae ang pinag-awayan nila.”


Tags: Ryan Bang

You May Also Like

Most Read