Latest News

RUSSIAN EX-CONSULTANTS NG COINS.PH, SINAMPAHAN NG KASO

By: Philip Reyes

Nahaharap sa kaso ang dalawang Russians na kapwa dating consultants ng Coins.ph matapos na masangkot diumano sa crypto-hacking.

Isa sa mga akusado ay nahaharap sa 23 bilang ng kasong paglabag sa naturang batas habang tatlong bilang naman ng kahalintulad na kaso ang isinampa laban sa isa pa.

Nagtakda naman ang hukuman ng P120,000 na piyansa para sa bawat bilang ng kasong isinampa laban sa mga akusado, para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ng security team ng kumpanyang sangkot sa remittance, transmittal ng pera, foreign currency exchange at iba pang money transactions.

Sinasabing tinangka umano ng mga akusado na i-swap at ilipat ang mga ninakaw na pondo sa pamamagitan ng mga tukoy na cryptocurrency services.

“It is the DOJ’s mandate to assure the Rule of Law is upheld at all times, and this extends even in cyberspace,” ayon naman kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), ang mga dayuhan ay sinampahan nila ng mga kasong paglabag sa Section 4 (a)(1) ng Republic Act 10175 o The Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Taguig Regional Trial Court dahil sa umano’y pag-hack sa sistema ng isang kumpanya sa Pilipinas at pagnanakaw ng XRP, na isang cryptocurrency at native token ng isang open source blockchain, na nagkakahalaga ng P340.7 milyon.

 

 

 

 

 

 

Tags:

You May Also Like

Most Read