Latest News

Ruru Madrid rumesbak sa ‘ampalayang’ netizen

NI GERRY OCAMPO

MAY natawa sa naging sagot ni Ruru Madrid sa isang netizen na nag-comment ng hindi sila bagay ng girlfriend na si Bianca.

Nag-post kasi ang aktor ng larawan nila ng girlfriend na kuha sa taping ng “The Write One.”


Hirit pa ng netizen ng “di ‘yan magtatagal, pramis,”na ang tinutukoy ay ang relasyon nina Ruru at Bianca.

Sinagot ni Ruru sa netizen: “Boss, pabili ako ampalaya.”

At di pa rin nagpapigil ang netizen kaya nag-reply si Ruru ng: “Puwede rin.”

Nag-react din ang fans nina Ruru at BIanca sa “bitter” na netizen.


Say ng fans na hindi magtatagal ang dalawa kung hindi sila seryoso sa kanilang relasyon at kung hindi nila talaga mahal ang isa’t isa.

Kung pag-uusapan ang edad, 25 years old na si Ruru samantalang turning 23 si Bianca sa March 2.

May ibang couples pa nga na mas malayo ang age gap at ‘yun na lang daw ang pagkaabalahan ng netizen.

Kaya siguro nasabi ng netizen na masyadong bata si Bianca kay Ruru ay dahil sa photos na ipinost ni Ruru.


Bata kasing tingnan ang aktres dahil sa suot na ibinigay sa mga character nila ni Ruru sa “The Write One” bilang sina Liam at Joyce.

Maganda ang istorya ng “The Write One” na may pagka-fantasy at at malaki ang magiging papel dito ng isang old typewriter.

Unang pagsasamahan ng dalawa ang TWO at first time nila magkakaroon ng on-screen kiss.

Noong Valentine’s Day ay nasa taping sina Bianca at Ruru kaya hindi sila nakapagplano ng date. Kaya sa set na lang daw sila nag-celebrate.

Nag-trending sa social media ang kissing scene nina Ruru at Bianca kaya excited sila dahil marami raw ang makaka-relate sa character nila bilang sina Liam at Joyce.

Bata at matanda ay kikiligin daw sa takbo ng love story ng kanilang character.

Kasama rin sa teleserye ang real-life Kapuso couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas na sa set din nag-celebrate ng kanilang Valentine’s Day.

Tags: Ruru Madrid

You May Also Like

Most Read