Latest News

Ruru Madrid balak ipagpatayo ng bahay si Bianca Umali

NI GERRY OCAMPO

Dati ay tikom pa ang bibig ni Ruru Madrid sabihin na in-love na siya pero ngayon, very vocal at proud na siyang ipagsigawan na si Bianca Umali na ang kanyang forever.

“I`m 25, so nandun na ako sa stage ng buhay ko na ayoko nang sayangin itong panahon na `to. I mean, ayoko nang bumalik du`n sa moment ng buhay ko na parang happy go-lucky lang ako, magpa-party ako, lalabas ako, kung saan-saan ako mapupunta.
“Kasi nakita ko na po ‘yung ano ang kahalagahan ng mga bagay na meron ako ngayon. ‘Yun ‘yung trabaho ko, yung career ko. I`m sure, hindi naman habang-buhay, ganito siya kainit. So, hangga’t nandiyan po yun, gusto kong namnamin, gusto kong i-enjoy,” aniya


Sa nagtatanong kung babaero pa rin ba siya, agad niyang sagot: “Ay naku, hindi na talaga.”

Hindi naman niya itinanggi na dumarating din na humahanga pa rin siya sa ibang babae, pero hanggang doon na lang daw ‘yun dahil ayaw na niyang sayangin ang ibinigay na second chance ng girlfriend na si Bianca sa kanya.

“Nagkadahilan siya dati para magselos. Pero sabi ko sa kanya lalo na noong binigyan niya ako ng isa pang pagkakataon, hindi ko na hahayaan na masayang ang tiwala na ibinigay niya sa akin,

“So, ayoko nang makita siyang masaktan, ayoko nang makita siyang umiiyak.” say pa ni Ruru.


Sa ngayon, pinaghahandaan na niya ang pagkakaroon ng pamilya pero bago mangyari ang lahat ay tutuparin niya ang pangako sa sarili na pagagawan niya ng bahay ang kanyang pamilya.

Tapos ay paghahandaan naman niya ang pagkakaroon ng ikalawang bahay para sa magiging tahanan nila ni Bianca.

Samantala, nang maging guest ang girlfriend ni Ruru na si Bianca sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay naungkat ang parking lot incident kung saan muntik na raw niyang masagasaan si Ruru noong bago pa ang kanilang relasyon.

“It was exaggerated ‘yung story,” say ni Bianca pero walang ibinigay na detalye.


Ayon kay Bianca, kapag minahal daw niya ang isang lalaki ay gusto niya kanya lang.

“I`m territorial,” aniya.

Hindi na nabanggit kung ano ang pinagselosan pero that incident ay galing sa premiere night ng movie na “Cara X Jagger” si Bianca na pinagbibidahan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith.

Kung si Ruru ay kapiling ang kanyang mga magulang habang lumalaki not like si Bianca na bata pa ay naulila na.

Naunang yumao ang kanyang ina sa sakit na cancer at after five years ay sumunod ang kanyang ama sa sakit sa puso.

Ang ikinalulungkot ni Bianca, may mga bagay na dapat itinuturo sa kanya ng mga magulang pero wala na nga ang mga ito sa kanyang tabi.

Everyday pa rin daw niya naiisip na sana kasama niya ang mga magulang pero hindi naman niya binabalewala ang kanyang lola na nagpalaki at nag-alaga sa kanya.

Hindi man daw perfect na anak si Bianca, umaasa siyang proud ang kanyang mga magulang sa kalagayan niya ngayon.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read