Kinatigan ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Commission on Audit (COA) na huwag payagan ang Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) na mabigyan ng P83 milyon ang mga opisyalnat empleyado noong 2014.
Sa 21-pahinang desisyon ng SC noong Setyembre pero ngayon lang Disyembre inilabas sa publiko ,ibinasura ang petisyon ng PhilHealth dahil sa kawalan ng merito.
“Wherefore, the petition is dismissed. The COA Proper Decision dated January 29, 2018 and Resolution dated August 15, 2019 in COA CP Case No. 2015-683 are affirmed,” ayon sa ruling ng SC.
Nag-ugat ang kaso sa pagbabayad ng PhilHealth sa educational assistance allowance at birthday gifts sa mga opisyal at emleyado ng ahensiya sa head office at regional office noong 2014 nang walang pag aproba si dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ng SC na binalewala ng PhilHealth ang konsepto ng fiscal autonomy at institutional authority na nag-aayos ng personnel compensation.
Alinsunod sa 2016 decision ng SC ,walang poder ang PhilHealth para determinahin ang kompensasyon ng mga opisyal nito.
“At this point, there should no longer be any question that PhilHealth is not exempted from the application of the [Salary Standardization Law],”giit pa ng SC.
Bukod dito,nabigo umano ang PhilHealth na mapatunayan na nagkaroon ng pang- aabuso sa panig ng COA. (Jaymel Manuel)