May gumagamit na namang scammer sa account ni Rufa Mae Quinto.
Nawindang ang komedyanteng aktres ng mapansin niyang sa isa na namang scammer ang gumagamit ng kanyang pangalan.
Naloka siya si matapos makatanggap ng sumbong na may gumagamit na naman sa kanyang pangalan para makapanloko ng iba.
Nagbigay siya ng babala na hindi siya kailanman nanghingi o
manghihingi ng pera sa kahit na sino.
Inamin niyang may mga nag-alok ng tulong sa kanya ngunit nalaman niyang may kaugnayan ang mga ito sa scamming.
Dahil sa patuloy na panloloko gamit ang kanyang name, nagsumbong na siya sa NBI upang maprotektahan ang account ng publiko.
Hindi maitago ng komedyanteng ang inis matapos makarating sa kanya ang balita.
Ayon sa aktres, isang netizen ang nagsumbong sa kanya tungkol sa isang lalaking nagpapakilalang kaibigan niya at ginagamit umano siya sa pang-i-scam.
Kaya naman agad na nagbigay ng babala si Peachy upang hindi na madagdagan pa ang mga nabibiktima ng panloloko.
“Nakakaloka, friendship! May nagsumbong na naman sa akin, kaya nag-react ako. Pakisabi naman, never akong nanghingi o manghihingi ng pera sa kahit na sino!” pahayag ni Rufa Mae.
“May mga taong nag-try mag-help, pero lahat pala, eh, nakisabay sa scamming issue. Kaya
pa-clear na lang para hindi sila maloko at mahingan ng pera,” dagdag pa niya.
Nanindigan ang komedyana na hindi siya mananahimik sa ganitong klase ng pananamantala upang maprotektahan ang publiko laban sa mga mapanlinlang na indibidwal.
“Awrahan natin ‘yan, friendship! Hindi puwedeng hayaan na lang natin sila!” matapang na pahayag ni Peachy.