SHEA TAN AT RUFFA MAE

RUFA MAE, HINDI HIWALAY SA MISTER

By: Beth Gelena

MATAGAL na ring nakabalik sa bansa si komedyanang si Rufa Mae Quinto.

Ang usap-usapan kaya umuwi ng Pilipinas ang actress-comedienne ay dahil hiwalay na raw umano ito sa asawang si Trevor Magallanes.


First time na humarap muli si Rufa Mae sa mga press people kamakailan para i-launch ang produkto ng DeoFlex na pag-aari ni Ms. Shea Tan, ang CEO at chemist na gumagawa ng naturang produkto.

Ayon kay Ms. Shea, una niyang ginamit ang produkto sa sarili niyang nilikha para gawing trial and error nang sa gayun if ever na palpak ay ang katawan niya ang unang maapektuhan.

Matapos ang matagumpay na paglikha ng kanyang produkto, ipinakilala na ni Ms. Shea sa publiko ito.


By word of mouth, nakilala ang DeoFlex hanggang sa lumago na ito.

Gusto ni Ms. Shea na lalong lumawak ang kanyang produkto kaya kumuha siya ng celebrity endorser at si Rufa Mae ang naisip upang maging kauna-unahang brand ambassadress ng DeoFlex dahil sa trademark ng komedyana na “Go go go.”


Swak umano ang “gogogo” word ni Rufa Mae sa DeoFlex, kasabay ng “Todo Na To!”

Tatlong produkto ang pinakilala ng DeoFlex — soap, powder at deodorant.


Sa launching ng product ay pinutakti ng tanong si Rufa Mae tungkol sa mister na si Trevor.

Paliwanag ni Rufa Mae, walang katotohanang sila ay hiwalay na.

Kaya raw siya bumalik ng bansa kasama ang anak nilang babae dahil matagal na rin siyang hindi nakakauwi.



Umalis si Rufa Mae ng Pinas noong time na wala pang pandemic at doon sila inabot ng anak ng pandemya kaya matagal silang na-stuck doon.

Sa America nagwo-8work ang mister ni Rufa Mae na isang Fil-American.

Tags: Rufa Mae Quinto

You May Also Like