“I have been getting many messages today, and I also saw the story that has been circulating. Let me put things to rest: I am not entering politics.”
Ito ang inihayag ni San Miguel Corp. President and CEO Ramon Ang kaugnay ng mga ulat na siya umano ang nakikitang pinakamabuting umupong lider ng bansa sakaling magkaroon ng civilian-military junta dahil sa isyu ng korapsyon sa bansa.
“I will be a dependable partner in building our country, nothing more,” ani Ang, na Presidente din ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) na nagpapatakbo ngayon ng NAIA Terminals.
“I am known by most people as someone who works quietly in business, building projects, fixing whateer he can and supporting government and communities,”aniya.
“That is where I believe I can contribute the most, and that is where I intend to stay,” dagdag pa ni Ang.
Paglilinaw pa ni Ang: “Our country is facing many challenges, and it is understandable that people want things resolved quickly. But moving forward will never depend on one individual. It will take government, private sector, and the public all moving in the same direction. My focus is to support that effort.”
Nagpasalamat din ito sa mga nag-reach out at hinimok ang lahat na ipagpatuloy ang pagkakaisang pagtatrabaho para sa ikabubuti ng bansa.
Matatandaan na sa kalagitnaan ng iskandalo sa flood control, nag-alok ng libreng tulong si Ang at nagbiro na mawawalan ng ‘kita’ ang mga pulitiko sa gagawin niya.














