Latest News

ROZZ DANIELS TULOY ANG KASO LABAN KAY IVY VIOLAN

By: Beth Gelena

HINDI pa pala tapos ang isinampang kaso ng Soft Rock Diva na si Rozz Daniels laban sa icon singer na si Ivy Violan.

Sinampahan ni Rozz ng money claim suit sa Wisconsin, USA ang veteran singer-composer na si Ivy dahil hindi umano nasunod ang kanilang usapan na gagawan siya ng pitong kanta at nangakong ang magri-release ay ang Viva Records.


Nasa P500,000 na raw ang naibayad niya sa icon singer, pero hindi pa raw nakapag-release ng kanta para sa kanya.

May na-release man daw na isang song last December, “but it’s too late,” say ni Rozz na nasa Pilipinas ngayon.

Matatandaang nagpa-zoom presscon ang soft rock singer bago mag-Disyembre kaya nasabi ni Rozz na huli na.


At kaya claim money ang sinampa niya dahil sa dami na umanong naibigay niyang pera kay Ivy ay hindi naman daw nakapaglabas ng ang kanyang kanta at para na rin mabalik ang kanyang pera.

Sa US naka-base si Rozz at narito sa Pilipinas para magbigay ng update sa isyu nila ni Ivy na ginanap sa Music Box.


Ani Rozz: “Sa ngayon, it’s still ongoing. Ang next hearing is on June 14. Hindi ko sana gagawin na magdemanda, pero I just want na matigil ang ginagawa niya, hindi lang para sa akin, para sa kaibigan ko at sa lahat ng nagawan ng ganito.”
“ I think, it’s a moral lesson na hindi lahat natatakot kapag tinatakot,” paliwanag pa ni Rozz.

Humarap si Rozz sa press last May 7 and after ng presscon, nagkaroon sila ng live show titled”The Rocks and Rozz Show.”


Kasama ni Rozz ang kaibigang Pinay singer na sa US na rin nakatira — si Irelyn Arana.

Nahingan din umano Si Irelyn ng pera ni Ivy para igawa rin umano siya ng kanta na hindi naman daw nangyari.

Kasamang nag show ni Rozz sina Harold, Jerome at Derf Dwayne.



Napapanood ang “The Rocks and Rozz Show” sa KUMU every Saturday.

Tags: Rozz Daniels

You May Also Like