Isasara simula alas-6 ng umaga bukas, Hunyo 12, ang North at Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak at T.M. Kalaw upang bigyang-daan ang ika-124 anibersaryo ng proklamasyon ng Philippine Independence Day.
Gayundin, nabatid sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) na magpapatupad rim ng traffic re-routing, kung saan lahat ng light vehicles na magmumula sa Bonifacio Drive at dadaan sa Southbound lane ng Roxas Boulevard ay dapat na kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Maria Orosa, kaliwa sa Bocobo Street.,kanan sa UN Avenuepapuntang Roxas Blvd patungo sa destinasyon.
Ang mga trailer trucks o heavy vehicles naman na magmumula sa Delpan Bridge ay dapat na umikot sa Anda Circle papunta sa Northbound lane ng Mel Lopez Blvd,hanggang C3 papunta sa destinasyon, habang ang mga light vehicle namang dadaan sa northbound ng Roxas Blvd.ay dapat na kumanan sa UN Avenue at kumaliwa sa Maria Orosa papunta sa destinasyon.
Lahat ng trailer trucks o heavy vehicles mula sa President Quirino ay dapat dumiretso sa Nagtahan bridge ,diretso sa Lacson Avenue papunta sa destinasyon.
Ang lahat ng sasakyan na manggagaling sa tatlong tulay, McArthur, Jones at Quezon Bridge na papasok sa southbound lane ng Roxas Blvd. Mula P.Burgos ay dapat na umikot sa Round Table, papunta sa Ma.Orosa o kaya sa Taft Avenue papunta sa destinasyon.
Gagamitim naman bilang parking area ang isang lane ng Katigbak drive,isang lane ng South drive,service Road ng Roxas Blvd.mula Kalaw hanggang Pedro Gil St.,norrhbound lane ng A.Bonifacio drive mula Anda circle hanggang P.Burgos,isang lane ng T.M Kalaw westbound at borthbound lane ng Roxas blvd sa tabi ng flagpole. (Carl Angelo)