Nagbabala ang World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) na.posibleng magkaroon ng measles outbreak sa bansa sa susunod na taon.
Ito ay matapos na hindi pa umabot sa gradong “pasang-awa” kundi kalabasa talaga ang routine immunization coverage sa bansa matapos itong pumalo sa 62.9% ,na mas mababa sa datos na naitala noong mga nakalipas na taon .
Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang target coverage ng routine immunization sa mga bata ay 95% porsiyento.
Nabatid na para maging epektibo,ang routine vaccines ay kinakailangan na makumpleto ang doses mula nang maisilang pa lamang ang mga sanggol hanggang mag-isang taong gulang.
“Kapag kinumpara natin ito sa mga datos natin from the previous years, bumaba po ang ating datos para dito,”ayon kay Vergeire.
Una nang nakipagpulong ang DOH sa WHO at sa UNICEF para talakyin ang immunization rate ng Pilipinas.
“Based on our data, we were able to analyze and ang atin pong pool of susceptibles na mga bata na wala ni isang bakuna o zero dose pa lang sila dito sa ating bansa for the past two years of pandemic is almost one million,”dagdag ni Vergeire .
Nalaman na ang bilang ng mga bata na hindi nakatanggap ng kahit na isang dose ng measles vaccine ay aabot sa hanggang 3 milyon.
Bukodnsa pagtanggi na magpa bakuna ,naging sagabal rin ang nangyaring lockdowns at restrictions na nakaapekto sa pediatric vaccination para sa preventable diseases.
Hinikayat ni Vergeire ang mga magulanh na kumpletuhin ang routine immunization ng kanilang mga anak bilang proteksiyon na rin laban sa sakit partikular na sa tigdas.
“Ang tigdas afflicts less than five years old children. Ang matatanda pwede rin magka-tigdas kung walang bakunang natanggap noong bata pa ,”paliwanag pa ni Vergeirr.
Nabatid na ang mga bata ay may mahinang immune systems na maaring maging sanhi ng kumplikasyon gaya ng pneumonia at diarrhea dahil sa tigdas na maaring maging dahilan ng pagkaka hospital. (Arsenio Tan)