Nasunog ang bahagi ng rooftop ng isang “lodge” kahapon ng umaga na matatagpuan sa Globo de Oro sa Quiapo,Maynila.
Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-6:17 ng umaga nang magsimula ang sunog sa 816 Shairah Lodge na matatagpuan sa Globo de Oro St.,Barangay 834 Quiapo,Maynila .
Walang idineklarang alarma pero alas- 7:18 ng umaga nang ma-kontrol ang apoy at alas- 7:53 ng umaga nang ideklarang ‘fire-out’.
Ayon sa imbestigasyon, nagsimula umano ang apoy sa bahagi ng rooftop ng gusali.
Itinataya ng BFP na umabot sa P225,000 halaga ang napinsalang ari-arian.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog.
Patuloy namang iniimbestigahan ng arson division ang sanhi ng sunog.














