Natupok ang roofdeck ng isang apat na palapag na gusali,kahapon ng hapon sa Taft Avenue, Malate, Maynila.
Ayon sa Manila Police District -Station 9, ang sunog ay nagsimula alas-2:32 ng hapon at idineklarang fire -out alas-3:07 ng hapon.
Ayon sa imbestigasyon, nakita umano na nag-aapoy ang Control Elevator Room na nasa roof deck ng apat na palapag na gusali.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog.
Inaalam pa rin ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.














