HINATULAN ang komedyanteng si Roderick Paulate ng Sandiganbayan ng “guilty” sa isang kaso ng graft at nine counts ng falsification of public documents kaugnay ng pagkuha ng ghost employees noong 2010 sa kanyang unang panunungkulan bilang konsehal sa Quezon City.
Matatandaang matapos ang kanyang pagkapanalo sa halalan noong 2010 bilang konsehal ng District 2 sa Quezon City, si Paulate ay tinanggal sa puwesto matapos umano ang pagkuha ng ghost employees mula Hulyo hanggang Nobyembre ng parehong taon.
Ang kaso laban kay Paulate ay opisyal na isinampa ng Office of the Ombudsman noong 2018, kung saan sinabi ng actor-politician na pineke ang isang “job order/contract of service,” kasama na ang mga pirma ng fictitious contractor para obligahin ang pamahalaang lungsod na maglaan ng pondo para sa kanilang mga suweldo.
Ang kabuuang sentensiya ni Paulate ay umabot sa pagitan ng 10 at kalahating taon hanggang 62 taon ng pagkakakulong — ang graft offense ay anim hanggang walong taon habang ang bawat falsification offense (walo para sa mga pampublikong dokumento, isa ng pampublikong opisyal) ay tumatagal ng anim na buwan hanggang anim na taon.
Bukod sa pagkakulong, inutusan si Paulate na magbayad ng P10,000 na multa para sa bawat bilang ng falsification offense o may kabuuang P90,000, gayundin ang tuluyang madiskwalipika na humawak ang anumang posisyon sa pamahalaan.
Hinatulan din, kasama ni Paulate ang kanyang driver at liaison officer na si Vicente Bajamunde, na abswelto sa mga kasong falsification.
Kapwa inutusan sina Paulate at Bajamunde na bayaran ang gobyerno ng P1.109 milyon (na 6% na interes kada taon hanggang sa buong pagbabayad) — ang halaga ng pampublikong pondo na nakolekta ng dalawa mula sa City Treasurer’s Office para sa dapat na suweldo ng mga inupahang empleyado.